Enrolment SY 2020-2021

Pre-Registration/Enrolment Click here https://lasaletteoframon.edu.ph/online-enrollment/

Base po sa anunsyo ni DepEd Secretary Briones, August 24 po ang simula ng klase. Wala po kayong dapat ipag alala sa kaligtasan ng inyong anak sapagkat sumusunod po ang ating paaralan sa mga alituntunin na inilabas ng Inter Agency Task Force o IATF upang masiguro ang tiyak na kaligtasan ng bawat mag aaral. Malalaman po ang kumpletong detalye kung paano ito isasagawa sa pamamagitan ng Online Orientation thru Facebook Live.

Magsama-sama po tayong manalangin upang tuluyan nang matuldukan ang pandemic na ito. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa ating paaralang La Salette of Ramon. ❤️